MANILA, Philippines — Sumalang na sa ensayo sa Gin Kings ang pinakabagong ka-Barangay na si Christian Standhardinger kahapon matapos ang blockbuster trade sa Northport. Ito ang kanyang unang pagsasanay sa crowd darling matapos maging kapalitan si Greg Slaughter noong nakaraang linggo. Malaki ang inaasahan sa 6-foot-8 big man na si Standhardinger na lalo lamang nagpalakas sa solidong Gin Kings bunsod ng kanyang kalibre bilang dating No. Sa bubble season noong nakaraang taon sa Clark, Pampanga ay nagrehistro siya ng 19.9 puntos at 12.0 rebounds kahit pa nagkasya lang sa 1-10 kartada ang Batang Pier. Sa parehong torneo ay nag-kampeon ang Ginebra na lalo laging naging paborito sa pagdagdag pa ni Standhardinger.
Source: Philippine Star March 10, 2021 16:07 UTC