LTO nagbabala vs. pagsakay ng bata sa overloaded tricycle - News Summed Up

LTO nagbabala vs. pagsakay ng bata sa overloaded tricycle


MAYNILA - Nagpaalala ang Land Transportation Office sa mga magulang at guardian ng mga estudyante na maging maingat sa pagpapasakay ng mga bata sa punuan na tricycles at motorsiklo, ngayong mas marami nang bata ang pumapasok sa in-person classes. Gustong nagmamadali yung mga bata winarningnan natin kasi interes pa rin natin yung safety ng mga bata," ani LTO Metro Manila director Clarence Guinto. Sa ilang lungsod gaya ng Quezon City, dapat apat lang ang naka-sakay sa tricycle, kabilang ang tsuper. Kung sasakay naman ng motorsiklo, nagpaalala ang LTO na dapat isa lang dapat ang naka-backride. Kung bata ang sakay nito, dapat umaabot ang paa sa foot peg, nakayakap nang maayos sa nagmamaneho at naka-helmet.


Source: The Guardian August 30, 2022 13:49 UTC



Loading...
Loading...
  

Loading...